Kamakailan, naglabas ng Joint Declaration of Policy Reforms ang Philippine Mining Industry at Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Ikinairita ito ng Alyansa Tigil Mina (ATM), dahil ang mga komunidad na apektado nt pagmimina ay nakalimutan sa proseso.
Ayon sa kanila, ang mga residente, partikular ang mga indigenous peoples, kababaihan at kabataan ng mga mining sites, ang matinding apektado ng negatibong epekto ng pagmimina, ngunit sila pa ang binabalewala sa paggawa ng mining policies.
Ang hayagan umanong pagbalewala sa tinig ng grassroots communities ay patunay ng kawalang galang at respeto ng mga kumpanya ng mina at ng DENR sa kampanya labang sa large-scale mining sa maraming apektadong lugar.
Kung hindi umano kasama ang mga kumunidad, balewala ang mga pangako ng mga kumpanya ng mina at DENR sa mga policy reforms, nsngangahulugan lamang na ang sinasabi nilang proposed changes ay para lamang i-advance ang agenda sa mas malaking kita.
Dagdag pa nila, paano masisiguro ang interes ng komunidad kung hindi sila kasama sa policy-making processes?
Partikular umano nilang ikinababahala ang deklarasyong “the DENR is committed to streamlining the administrative process in the evaluation and issuance of mineral agreements”.
Ikinatatakot nilang magretesulta ito sa kawalang ng pagsunod sa environmental laws and requirements ng mga mining firms, gayundin sa patuloy na corporate practice of deceit and manipulations upang makuha ang consent ng komunidad.
Ikinababahala rin umano nila ang kawalang ng balance sa pagitan ng hayagang promosyon ng gobyerno sa pagmimina at kakulangan ng performance sa conservation at pangangalaga sa mga protected areas.
Ang mas matindi pa, sa ilang lugar, kitang kitang nilalapastanfan ng mga large-scale mining ang mga protected lands at ang nasabing paglabag ay pinalulusot lamang.
Iginigiit ng ATM ang pangangailangan ng batas na tinatawag nilang green bills, tulad ng Alternative Minerals Management Bill (AMMB).
Manila, dapat bawiin ang RA 7942 o Philippine Mining Act at palitan ito ng AMMB, kung saan msipaliliwanag ang paggamit ng minerals at paggamit ng mining para sa national industrialization.
Kailangan umano natin ng batas na magbabawal ng pagmimina sa mga lugar na pinagkukunan ng tubig at pagkain.
Dapat din umanong siguruhin ang kaligtasan ng lahat ng naninirahan sa komunidad.
Sa pangkalahatan, kinukwrestyon ng ATM ang Joint Declaration. Nagdududa umano sila sa sense of accountability ng mining industry at ng DENR sa mga mining-affected communities.
Dahil hindi kasama ang mga komunidad sa Joint Declaration, nsngangahulugan itong kulang sila sa sense of responsibility. RLVN