KOMUNIDAD SA MUNTI NAKA-LOCKDOWN

NADAGDAGAN pa ng isang komunidad ang isinailalim sa granular lockdown ng lokal na pamahalaan ng Muntinlupa dahil sa nakaaalarmang pagtaas ng kaso ng coronavirus disease o COVID-19 sa naturang lugar.

Nabatid na isinailalim sa 15-araw na extreme localized community quarantine (ELCQ) ang komunidad ng Mahogany at Kamagong Streets sa Villa Carolina 2 Subdivision, Brgy. Tunasan, mula ala-6 ng gabi nitong Martes hanggang ala-6:00 ng gabi ng Setyembre 8 bunsod ng nakababahalang COVID-19 attack rate at doubling time.

Mayroong 56 households at 247 residente sa Kamagong Street na may naiulat na clustering ng kaso at may narrow doubling time ng dalawang araw gayundin ang mataas na attack rate na 526.31 sa bawat 10,000 populasyon.

Sa sitwasyon naman sa Mahogany Street, naitala rin dito ang clustering ng mga kaso na mayroong 11 aktibong kaso ng COVID-19 sa 295 na residente.

Ang komunidad ng Mahogany Street, may mataas din na attack rate na 372.88 bawat 10,000 populasyon at mayroong narrow doubling time ng anim na araw.

Ang dalawang nabanggit na komunidad ay lugar din ng mga high priority groups kabilang ang 99 senior citizens, dalawang persons with disability at 23 bata na nasa edad 5 taon gulang pababa.

Nauna nang isinailalim sa ELCQ ang Building 2 ng BLISS residential complex sa Brgy. Putatan hanggang Setyembre 7 na pang walong komunidad na ini-lockdown sa lungsod.

Ang pito pang komunidad na nakapailalim sa 14-araw ELCQ ay ang Building 17 at Filinvest Socialized Housing sa Alabang at limang kalsada sa Katarungan Village 1, Barangay Poblacion na sinimulan noong Agosto 19 at magtatapos sa Setyembre 2.

Ang iba pang komunidad na nakapailalim sa granular lockdown sa lungsod ay ang Purok 3, Molera Compound sa Barangay Sucat at Purok 7, Beatriz Compound, De Mesa L & B Street sa Barangay Alabang na nagsimula ng Agosto 6 hanggang 27; Block 8, Hills View at Mangga St., Lakeview Homes sa Barangay Putatan mula Agosto 12 hanggang 26; at ang Chico St., Laguerta sa Barangay Tunasan na isinailalim sa ELCQ noong Agosto 10 hanggang Agosto 25. MARIVIC FERNANDEZ

9 thoughts on “KOMUNIDAD SA MUNTI NAKA-LOCKDOWN”

  1. 984724 568938But wanna comment that you have a quite good internet internet site , I love the style and design it really stands out. 604728

  2. 484057 258472Wow, incredible weblog layout! How long have you been blogging for? you make blogging appear easy. The overall look of your website is great, as nicely as the content! xrumer 313934

  3. 170972 907096Private Krankenversicherung – Nur dann, wenn Sie sich fr die Absicherung ber die Rentenversicherung entschieden haben, dann knnen Sie sich sicher sein, dass Sie im Alter so viel Geld haben, damit Sie Ihren Lebensstandard halten knnen. 587419

Comments are closed.