ISA sa layunin ng gobyerno na makamit ang 100% electrification sa bansa, pinasigla ng Manila Electric Company (Meralco) ang isang komunidad sa Barangay Sangandaan sa Quezon City sa pamamagitan ng One Meralco Foundation (OMF) Household Electrification Program.
Bilang social development arm ng Meralco, ang OMF ay nagbigay ng kinakailangang suportang pinansyal at teknikal na tulong sa 83 kabahayan sa Loans Street, na matagal nang nagbabayad ng tatlong beses sa rate ng Meralco para sa electric power na galing sa sub-meters at service extensions mula sa mga kapitbahay.
Sa pamamagitan ng programa, sinagot ng OMF ang gastos sa pag-install ng indibidwal na pasukan ng serbisyo para sa metro at tumulong na mapadali, kasama ng lokal na pamahalaan at ng Meralco Balintawak Business Center, ang pagproseso ng mga kaukulang permit tulad ng certificate of final electrical inspection.
Ang kompanya ay nag-upgrade rin ng mga pasilidad ng pamamahagi sa lugar upang mapaunlakan ang mga karagdagang serbisyo ng koryente.
Bago magkaroon ng sarili niyang serbisyo sa Meralco, inalala ng residenteng si Cristina Nocos ang pagsubok sa pananalapi na kailangang harapin ng kanyang pamilya para lang magkaroon ng access sa serbisyong koryente.
“Labis ang pasasalamat ng aking pamilya ngayong nabawasan ng kalahati ang aming monthly bill pagkatapos naming magkaroon ng sariling metro ng Meralco. Makakatipid din ito sa akin ng oras sa paggawa ng mga gawaing bahay sa araw-araw na karaniwang ginagawa ko nang mano-mano, tulad ng paglalaba,” saad nito.
ELMA MORALES