KOMUNISTA NA NAKAHALO SA DOJ IIMBESTIGAHAN

Justice Secretary Menardo Guevarra-5

HINDI palalampasin ni  Justice Secretary Menardo Guevarra ang inilantad kamakailan ng Armed Forces of the Philippine (AFP) na nakahalo na sa hanay ng Department of Justice (DOJ) ang mga rebeldeng komunista.

Direktang makikipagpulong si Guevarra kay AFP Chief of Staff Carlito Galvez upang makakuha pa ng dagdag na impormasyon hinggil sa inihayag ni AFP Assistant Deputy Chief of Staff for Operations Brig. Gen. Antonio Parlade Jr. na pinasok na ng mga komunista ang DOJ at diumano ay tumu-tulong upang mabasura ang mga kasong kriminal na nakahain laban sa mga communist rebel.

Itinuturing ni Guevarra na isang seryosong alegasyon ang ibinunyag ng AFP kung kaya siya mismo ang tutukoy sa nakuhang impormasyon ng militar.

Magugunita na inihayag ni Parlade Jr. na pinasok na ng mga komunista ang DOJ at diumano ay tumutulong upang mabasura ang mga kasong krim-inal na nakahain laban sa mga communist rebel.

Sa kabila ng alegasyon ng AFP, tiwala pa rin ang kalihim sa paghawak ng mga  DOJ prosecutor sa mga kasong nakasampa laban sa mga rebelde.

Naniniwala si Guevarra na ebidensiya ang pinagbabatayan ng mga piskal sa pagdesisyon sa mga kaso. TERESA TAVARES

Comments are closed.