TATLONG hinihinalang miyembro ng drug syndicate na konektado umano sa isang lokal na narco-politician at isa pang high-value target (HVT) na tinaguriang ‘ninja cop’ ang arestado ng pinagsanib na pwersa ng National Capital Regional Police Office (NCRPO), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at ng Manila Police District (MPD) makaraang makumpiskahan ang mga ito ng P3.5 milyong halaga ng shabu sa ikinasang buy-bust operation kahapon ng madaling araw sa Maynila.
Kinilala ni NCRPO Director Police Major General Guillermo Eleazar ang arestadong umano’y lider ng “Pementera Gang’ na si Porferio Pementera, a.k.as. Jon-Jon, 39, na sinasabing sangkot sa pagbebenta ng droga sa sa mga lugar ang Maynila at Quezon City; ang drug runner nito na si Orlando Naguinlin, a.k.a. alias Lando, 48; at barangay tanod na si Joseph Dela Cruz, 41, pawang mga taga Zone 48, Sampaloc, Manila.
Ayon kay Eleazar, dakong alas-12:45 kahapon ng madaling araw nang arestuhin ang mga suspects sa ikasang buy bust operation sa Apartment 1817-C Algostro Building, Simoun St., Brgy 484, Zone 48, Sampaloc, Manila.
Dagdag pa ni Eleazar, konektado ang mga suspek sa isang lokal na narco-politician na nasawi sa isang police operation noong Marso 28.
Konektado rin ang mga suspect sa isang pulis na nagngangalang Jolly na sa kasalukuyan ay nakakulong sa Manila City jail dahil sa iligal na pagbebenta ng shabu at nasa listahan ng HVT na tinaguriang ‘ninja cop’. MARIVIC FERNANDEZ
Comments are closed.