KONGKRETONG PLANO SA CLINICAL TRIALS NG COVID VACCINE

IGINIIT  ni Senador Francis ‘Tol’ Tolentino ang paglalatag ng mga ahensiya ng pamahalaan ng isang kongkretong plano para sa nala-lapit na pagsasagawa ng vaccine trials  na pangontra sa COVID-19 disease.

Sa kanyang privilege speech nitong Miyerkoles, inihayag ni Tolentino ang kanyang pangamba dahil sa mga magkakaibang pahayag mula sa Department of Science and Technology (DOST), Department of Health (DOH), at Food and Drug Administration (FDA) sa gagawing clinical trials para sa hindi bababa sa anim na bakunang posibleng tuluyang makasugpo sa pandemyang kinakaharap ng buong daigdaig.

“Where do the duties, responsibilities, and accountabilities of the DOST, the DOH, and the FDA begin and end?” tanong ni Tolentino.

Ayon sa senador, dapat malinaw kung sino sa mga nabanggit na ahensiya ang pangunahing tututok sa gagawing test-run ng mga bakuna kontra COVID-19.

Inihayag kamakailan ni DOST Secretary Fortunato dela Pena na lumagda ang kanyang ahensiya ng “confidential data agreements” o CDA sa limang bansa para sa coronavirus vaccine.

Subalit hugas kamay naman ang nasabing opisyal nang tanungin sa mga napaulat na nagsulputang COVID-19 vaccines sa black market at kung dumaan ba ito sa tamang proseso.

Nagugulahan din ang senador dahil panay anunsiyo ng DOH at DOST sa mga umano’y nakatakdang clinical trials sa bansa, subalit taliwas naman ito sa pahayag ng FDA at sinabing wala pang aprubadong aplikasyon para sa pagsasagawa ng test-run para sa COVID vaccine.

Bukod sa dapat linawin ang mga pananagutan at reposibilidad ng mga ahensiyang may kinalaman sa nalalapit na clinical trials, giniit ni To-lentino ang kahalagahan ng pagkakaroon ng malinaw na plano at koordinasyon sa mga sasalang sa nasabing pagsubok.

Dagdag pa ni Tolentino na chairman ng Senate Committee on Local Governments, dapat magkaroon ang pamahalaan ng malinaw na com-munication plan upang mabigyang linaw sa mga local government unit (LGU) ang kanilang trabaho sa nalalapit na clinical trials. VICKY CERVALES

Comments are closed.