KONGRESISTA, MAG-IINA POSITIVE SA COVID-19

Mannix Dalipe

NAGPOSITIBO  sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) si Zamboanga Representative Mannix Dalipe kasama ang misis nito at dalawang anak.

Ito ay kinumpirma niya sa kanyang Facebook page.

Naka-confibe na sa ospital ang kongresista at kasalukuyan nagpapagaling sa virus.

Tinamaan din sa coronavirus ang kanyang ama na si dating Mayor Manny Dalipe na nasa Intensive Care Unit (ICU).

Humihingi ng dasal ang kongresista para malampasan nilang pamilya ang pagsubok bunsod ng pandemiya ng COVID-19.

Samantala, sumirit na sa 480,737 ang kabuuang bilang ng COVID-19 sa bansa araw ng Miyerkoles.

Ito’y matapos makapagtala ng Department of Health (DOH) ng karagdagang 1,047 panibagong COVID-19 cases nitong Enero 6.

Nasa 22,690 naman ang active cases.

Samantala, 339 naman ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling sa sakit kaya’t umakyat na 448,700 ang total recoveries

Habang 26 ang karagdagang bilang ng mga nasawi sa virus kaya’t nasa 9,347 na ang death toll ng coronavirus sa bansa. DWIZ882

Comments are closed.