KONGRESO SINISI SA DELAYED SALARY HIKE

SALARY INCREASE-2

ANG Kongreso ang dapat sisihin sa pagkakaantala ng umento sa sahod ng mahigit isang milyong government workers ngayong taon.

Sa ginanap na press briefing, sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na ang Kongreso at hindi ang Ehekutibo ang nangho-hostage ng umento sa sahod  dahil sa kabiguan ng mga mambabatas na maipasa ang 2019 national budget.

“The one holding hostage would be Congress, not Executive Department,” giit pa ni Panelo.

Ayon kay Panelo, hindi dapat sisihin si Budget Secretary Benjamin Diokno na siyang  pinagbubuntunan  ng Kongreso na siyang dapat managot kaya hindi maibibigay ngayong first quarter ng taon ang salary increase.

Sinabi ni Panelo na malinaw na walang mapagkukunan ng pondo dahil sa reenacted na budget.

“Since there is already a mandamus petition before the court, it becomes subjudice, we will let the court decide on it. It will necessarily ask the respondent (Diokno) to respond and then when the issues meet, they will resolve,” paliwanag pa ni Panelo.

Nauna rito ay dumulog sa Korte Suprema si House Majority Leader Rolando Andaya Jr. at iba pang government employees at naghain ng mandamus petiton upang pilitin ang Department of Budget and Management na irelease ang ikaapat at huling bahagi ng salary increase ng mga  empleyado ng gobyerno.

Suportado ng Malakanyang ang posisyon ni Diokno na maaari lamang i-release ang nabanggit na salary hike  sa sanda­ling maipasa ng dalawang Kapulungan ng Kongreso ang proposed P3.757 tril­yong General Appropriations.

“Yes, because what will be your basis? Where will you get the money? But as soon as the budget is enacted, that’s precisely why we’re urging graciously House of Representatives to finish, as well as the Senate, to approve the budget,” dagdag pa ni Panelo.

Inihayag ni  DBM Assistant Secretary Myrna Chua na kakailanganin ng gobyerno ng mahigit sa  P40 bilyon upang tustusan ang dagdag sa sahod ng may 1.3 milyong government workers.

“All (government) jobs are covered by the Salary Standardization Law. There are some GOCCs (government-owned or controlled corporations) covered also by the SSL. Our estimate is around P45 to P50 billion,” dagdag ni  Chua.

Nanindigan din si Diok­no na maibibigay lamang ang  dagdag sa sahod sa sandaling maaprobahan ang bagong budget.

Ang ikaapat at hu­ling bahagi ng salary increase ay nakapaloob sa  Executive Order 201 na pinirmahan ni dating Pangulong Benigno Aquino noong 2016.    EVELYN QUIROZ

Comments are closed.