NUEVA ECIJA – HINDI na umabot pa ng buhay sa pagamutan ang isang konsehal Nueva Ecjia makaraang pagbabarilin ng mga hindi nakilalang salarin na sakay ng motorsiklo na naganap sa bayan ng San Antonio kamakalawa ng umaga.
Sa report na nakarating sa tanggapan ni PBGeneral Jose Hidalgo Jr. Regional director ng Police Regional office (PRO) – 3, ang b9iktima ay nakilalang si Roberto Carpio, nasa hustong edad at residente ng Barangay Luyos at pangalawang termino bilang Municipal council.
Nabatid na kasalukuyang lulan ng kanyang motorsiklo ang biktima dakong alas 730 ng umaga ng bigla na lamang pagbabarilin ng mga suspek na lulan din ng isang motorsiklo.
Nagtamo ng isang tama ng bala ng baril sa ulo ang biktima na siyang dahilan ng maagang pagkamatay nito.
Matapos na barilin ng mga suspek ang biktrima ay agad na itong tumakas dala ang armas na ginamit patungo sa di mabatid na lugar.
“The victim sustained gunshot wounds in his head while the suspects fled immediately in the north direction,” ayon sa police report.
Dinala pa sa pinakamalapit na ospital si Carpio ngunit idineklarang dead on arrival.
Nagsimula na ang mga awtoridad na suriin ang security camera footage upang matukoy at mahuli ang mga suspek.
Hanggang sa kasalukuyan ay patuloy pa rin ang isinasagawang pagsisiyasat ng mga awtoridad kasabay ng pagkalap ng impormasyon na makakatulong sa paglutas sa kaso ng pananambang sa biktima.
EVELYN GARCIA