TARLAC CITY- PATAY ang isang barangay councilor na kabilang sa Top Priority Regional High Value target ng PNP dahil sa pagtutulak ng illegal na droga.
Base sa inisyal na report ng mga awtoridad, ganap na alas-3:50 ng madaling-araw nitong Sabado nang makipagpalitan ng putok sa mga tauhan ng drug enforcement unit ang suspek na ikinasawi nito.
Sa report na nakarating sa tanggapan ni PRO3 PNP Diector BGen.Matthew Baccay, kinilala ang suspek na si Frank Martin Bunos Y De Guzman, nasa hustong gulang, konsehal ng Brgy. San Sebastian, Tarlac City.
Nabatid na isinagawa ang buy-bust operation sa bahagi ng Bypass Road ng Brgy. Ungot kung saan agad bumunot ng baril ang kagawad at pinaputukan ang mga operatiba gamit ang 9MM armscor nito na bitbit sa loob ng sasakyan.
Nakuha ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang apat na plastic sachets ng shabu, buy bust money, at ilang basyo ng 9MM. THONY ARCENAL