SINIMULAN na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) nitong nakaraang araw ang konstruksiyon ng 19 palapag ng Food and Drug Administration (FDA) office sa Filinvest Corporate City sa Alabang, Muntinlupa City.
Ang gusaling ito ay mayroon total floor area na tinatayang aabot sa 29,136 sq. meters na inaasahang makapagbibigay sa maaliwalas na working condition sa mga empleyado bukod sa kumpleto at modernong kagamitan.
Dinaluhan ang ground breaking ceremony ng mga matataas na opisyal ng pamahalaan kabilang si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel M. Bonoan,FDA Director General Samuel A. Zacate,First Lady Maria Louise “Liza” Araneta-Marcos, Budget Management Secretary Amenah F. Pangandaman at Assistant Secretary Charade Mercado-Grande ng Department of Health.
Ang opisina ng FDA ay nasa Experimental Animal Laboratory (EAL) building sa Alabang sa Muntinlupa City, at itinayo ito noong pang 1987. FROILAN MORALLOS