KONSTRUKSIYON NG GUSALI SA MUNTINLUPA CITY PINATITIGIL

HOTEL 99

INIUTOS ng pamahalaan ng Lungsod ng Muntinlupa ang pagpapatigil sa itinatayong gusali ng Sunland Development Corporation sa Montillano Alabang bunsod sa paglabag umano nito sa ilang probisyon ng Presidential Decree No. 1096 o National Building Code of the Philippines at sa Implementing Rules and Regulations nito.

Ayon sa Notice of Violation na ipinalabas noong ika-18 ng Hulyo,  2018 ni Ginoong Leonilo E. Teofisto, hepe ng Inspection and Enforcement Division ng Muntinlupa City Hall, nilabag ng Sunland Deve­lopment Corporation ang Sections 301 at 309 PD No. 1096 at ang Implementing Rules and Regulations nito dahil sa pagpapatayo ng gusali na gaga­wing Alabang Branch ng Hotel 99 nang wala umanong kaukulang Buidling Permit at Certificate of Occupancy na mula sa lokal na pamahalaan ng naturang lungsod.

Nakasaad sa Section 301 (Building Permit) ng naturang batas na “No person, firm or corporation, including any agency or instrumentality of the Government, shall construct, alter, repair, convert, use, occupy, move, demolish and add any building structure or any portion thereof, or cause the same to be done, without first obtaining a Building permit from the Building official assigned in the place where the subject building structure is located or to be done.” Nakasaad naman sa Section 309 (Certificate of Occupancy) ng naturang din batas na “No Building or Structure shall be used or occupied and no Change in the Existing use or Occupancy classification of a building or structure, or portion thereof, shall be made until the Building official has issued a certificate of Occupancy therefor, as provided in the Code.”

Sa inspeksiyon ng tanggapan ni Teofisto noong ika-18 ng Hulyo, nakitaan ang proyekto ng mga paglabag sa batas at ng mga posibleng panganib na dulot ng hindi nito pagsunod sa mga alituntunin ng batas na may ­kinalaman sa kaligtasan ng mga ­manggagawa, mga bumibisitang ­inspector, mga katabing gusali at istraktura at mga taong dumaraan sa paligid ng ginagawang proyekto.

Katunayan, bumagsak ang pader ng isa sa mga katabing gusali nito, na dahilan para magpalabas ng Notice of Violation ang tanggapan ni. Teofisto at ito ay pinatanggap sa kinatawan ng SDC na nagngangalang Engr. Vincent Reyes.

Inatasan din sa Notice ang kinatawan ng developer na mag-report sa Office of the Building official sa lalong madaling panahon.

Nagbabala ang naturang tanggapan na gagawa ito ng kaukulang legal na hakbang sa oras na hindi tatalima ang developer sa sinabing kautusan.  PMRT

Comments are closed.