KONSTRUKSIYON NG PINABACDAO PORT KOMPLETO NA

Pinabacdao port

SAMAR – IKINAGALAK ng mamamayan ng lalawigang ito ang completion works ng Pinabacdao Port.

Una nang iniulat ng Department of Transportation (DOTr) na tapos na ang port development project ng pantalan.

Ilan sa mga isinagawa sa pantalan ang pagpapalawak ng causeway, pagtatayo ng back-up area at seawall at terminal shed.

Kilala bilang tahanan ng Mayaw-Mayaw Festival, ang munisipalidad ng Pinabacdao sa Samar ay mayroon na ngayong mas pinalawak at pinagandang port.

Sa pahayag ng DOTr, ang nasabing pantalan ang magiging docking area para sa mga darating at ibibiyaheng produktong pandagat sa probinsya.

Bukod sa nabanggit, maaari na ring makapunta sa pantalan ang iba’t ibang bangka sa lungsod at iba pang karatig-barangay. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.