KONSULADO PINAG-IINGAT ANG MGA PINOY SA HK: BAWAL MAGSUOT NG ITIM O PUTI

hong kong protest-2

PINAGBABAWALAN ang mga Filipino sa Hong Kong na magsuot ng itim at puting damit upang hindi mapagkamalang mga kasali sa kaliwa’t kanang protesta sa nasabing bansa.

“Kung puwede ‘wag magsuot ng itim or puti, kasi ito po ang ginagamit nilang kulay sa protesta. So ito pong nahuli nating kababayan eh nagkataong nakaitim siyang t-shirt,” pahayag ni  Deputy Consul General Germinia Aguilar-Usudan  ng Philippine Consulate sa  Hong Kong sa panayam ng DZMM kahapon.

Ang tinutukoy nito ay ang Pinoy na  dinakip dahil sa hinalang siya ay kasali sa protesta  nitong weekend sa North Point district.

Agad namang itinanggi ng dinakip na Pinoy na kasali siya sa protesta. Isa umano itong dancer sa Hong Kong Disneyland, at lumabas upang bumili lamang ng pagkain  nang bigla siyang habulin ng mga pulis.

Pinaiiwas din ni Usudan ang mga Pinoy sa mga lugar na may  mga rally.

Sa loob ng dalawang buwan ay kabi-kabila ang protesta sa Hong Kong kasabay ng panawagang tuluyang pagbawi sa  extradition bill na itinutulak ng Beijing.

Naka-post sa Facebook account  ng Konsulado ng Filipinas sa Hong Kong ang mga lugar na pagdarausan ng protesta tulad ng Tamar Park sa Admi-ralty, Sha Tin Town Hall Plaza, Tuen Mun Park, Discovery Park sa Tsuen Wan, Wong Tai Sin Square, MacPherson Playground sa Mong Kok,Kwong Fuk Football Park sa Tai Po.

Sa mga  manga­ngailangan ng tulong, maaring tumawag sa 9155-4023  para sa Consular Assistance, 6165-2406 sa POLO at 6345-9324 sa OWWA.

Comments are closed.