(Konsulta Package may enhancement din) BENEPISYO NG PHILHEALTH SA NEONATAL SEPSIS AT BRONCHIAL ASTHMA PACKAGE PINALAWAK

IBINALITA ni PhilHealth President and CEO Emmanuel R. Ledesma Jr. na epektibo na noong Mayo 1 ang dagdag benepisyo para sa Neonatal Sepsis at Mayo 16 sa Bronchial Asthma at Konsulta Package na 15 na ang sakop ng laboratory and diagnostic tests kasama ang mammogram at ultrasound sa upper abdomen, pelvic at breast. Kuha ni EUNICE CELARIO

DINAGDAGAN ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang benepisyo para sa package ng Neonatal Sepsis at Bronchial Asthma.

Sa PhilHealth Kapihan with Media nitong Mayo 28, 2024, kinumpirma ni PhilHealth President and CEO Emmanuel R. Ledesma Jr. ang enhancement o dagdag sa benefit package sa neonatal sepsis na mula sa dating P11,700,  ay tinaasan ng 120% at epektibo sa May 1 ay magiging P25,793.

Ang neonatal sepsis ay isang seryosong medical condition na nakakaapekto sa mga sanggol na nasa edad 28 araw.

Habang itinaas din ang coverage benefit para sa bronchial asthma ng 150% o mula sa dating P9,000 ay naing P22.488 na.

Bagaman ang enhanced benefit para sa bronchial asthma ay epektibo nitong Mayo 16, sinabi ni Ledesma na batay sa implementing guidelines, maari nang ma-avail ang mga package at ito ay sa ilalim ng PhilHealth Circular number 2024-0008 at 2024-0009.

Habang ang mga na-admit sa mga nasabing sakit simula Mayo 1 ay maaari nang matanggap ang bagong rates.

Ang pag-apruba ng state health insurer na madagdagan ang benepisyo para neonatal sepsis at bronchial asthma ay kasunod ng ulat ng World Health Organization na tatlo sa sampung kaso ng neonatal sepsis sa buong mundo ay nasawi.

Habang batay rin sa recors, isa ito sa pangunahing sanhi ng kamataya ng mga sanggol sa Pilipinas.

Habang ang asthma ay nananatiling high-burden disease at kapag hindi nabigyan ng tamang treatment ay lumalala..

“We at PhilHealth, identified these two cases, as priority conditions in rationalizing select All Case Rates packages to improve financial coverage as we transition our payment mechanism to Diagnostics Related Groups as mandated in the Universal Health Care Law,” ayon kay Ledesma.

Bukod sa enhancement sa dalawang case rate packages, kinumpirma rin ni Ledesma ang dagdag ng sakop ng Konsulta Package na epektibo rin nitong Mayo 16.

Ibig sabhin nito, mula sa 13 laboratory and diagnostic tests, ngayon ay 15 na at ang pinakabagong lab sa ay ang mammogram at ultrasouind sa upper abdomen, pelvic and breast.

“With these enhancement, the annual capitation or the amount we pay our Konsulta Packae Providers per patient is now P1.700 for both public and private from the previous P550 per patient,” dagdag pa ni Ledesma.

EUNICE CELARIO