PINAKIKILOS nina CIBAC Partylist Reps. Bro. Eddie Villanueva at Domeng Rivera ang Commission on Elections (Comelec) na mag-sagawa ng masusing pag-aaral at konsultasyon kaugnay sa isinusulong na i-ban ang “face to face” o pisikal na pangangampanya ng mga kandidato sa 2022.
Giit ng mga kongresista, mahalagang maaral at maikonsulta muna ang “online campaigning” dahil ito ay may parehong “pros at cons”.
Mahalaga anilang isaisip at unahin kung paano titimbangin ang de kalidad at sinseridad ng mga kandidato kung ang pangangampanya ay gagawin lamang sa online.
Dagdag ng mga mambabatas, mismong ang Comelec na ang nagsabing hindi pa naman pinal ang planong ipagbawal ang “face to face” na kampanya.
Dahil dito, makabubuti kung kukunin na muna ng komisyon ang posisyon ng mga tao upang makakuha ng mga paraan ng pangangampanya na maaaring gawin nang may balanse, may pagtalima sa health protocols at tiyak na partisipasyon ng mga botante.
Isa sa dapat makonsulta ng Comelec ay ang mga nasa probinsya at malalayong lugar lalo’t problema ang mabagal at kawalan ng internet connectivity. CONDE BATAC
Comments are closed.