NAGBABALA ang Department of Trade and Industry sa mga konsyumer laban sa mga tiwaling nagbebenta ng karneng baboy at manok na nagtataas ng presyo ng kanilang produkto ng higit pa sa nararapat na halaga ng mga ito.
Sinabi ni DTI Undersecretary Ruth Castelo na ang farm-gate price ng manok ay nasa P85 per kilo, dagdag P50-per-kilo markup ng dressers, traders, at retailers. Kaya, ang retail price ng karneng manok ay dapat na P135 per kilo.
“Kung tumaas man siya, dapat P140/kg at the maximum. ‘Pag nag P150 – 160 ‘yan itawag na nila sa DTI,” pahayag ni Castelo.
Samantala, ang farm-gate price ng karneng baboy ay kasalukuyang P130/kg.
“Most reasonable na increase na patong ng mga negosyante ay P70/kg. So, ang P240 – P250 per kilo ay sobrang mahal na nun,” dagdag pa ni Castelo. Puwedeng kontakin ang DTI hotline sa 1384 para sa anumang consumer-related complaints.
Ang presyo ng manok sa Mega Q Mart Market in Quezon City, ay bumaba na sa P10 hanggang P165 bawat kilo, na mas mataas pa ng P30 kaysa sa etimate ng DTI. Samantala, ang benta ng karneng baboy ay P220 kada kilo, na hindi nabago sa presyo noong nakaraang linggo.
Comments are closed.