UMAARAY na ang mga consumer sa napipintong pagtaas ng gasolina at diesel ngayong araw.
Nag-anunsiyo ang ilang kompanya ng langis kahapon na magkakaroon ng pagtaas sa presyo ng kanilang mga produkto.
Ayon sa kanilang abiso, nasa P1.10 ang dagdag sa kada litro ng gasolina habang P1.20 naman sa kada litro ng diesel.
Tataas naman ng P0.95 ang presyo kada litro ng kerosene.
Narito ang presyo ng pagtataas ng mga kompanya ng langis:
Flying V, Pilipinas Shell, Caltex, SEAOIL (Martes, 6 a.m.)–Gasoline +P1.10 kada litro; Diesel +P1.20 kada litro; Kerosene +P0.95 kada litro.
PTT Philippines, Phoenix Petroleum (Martes, 6 a.m.)–Gasoline +P1.10 kada litro; Diesel +P1.20 kada litro.
Samantala, umaapela ang mga consumer na dapat daw ay alisin na ang excise tax bunsod ng Train law para mabawasan ang presyo sa produkto ng petrolyo.