MATAPOS ang mga naging biyahe nitong nakaraang Semana Santa, sasalubungin ang mga motorista ng konting pagbaba sa presyo ng petrolyo ngayong linggo.
Sa kanilang lingguhang forecast para ngayong Abril In its weekly fuel forecast ngayon Abril 23 hanggang 29, ini-report ng Unioil Petroleum Phil-ippines na ang presyo bawat litro ng diesel ay inaasahang bababa ng P0.10. Samantala, inaasahan din na hindi magbabago ng presyo ang gasoline.
Samantala, sinabi ng Jetti Petroleum na ang kanilang presyo ng diesel ay malamang na bumaba ng P0.05 hanggang P0.10 bawat litro pero ang gaso-line ay malamang na walang mababago o posibleng mabawasan ng P0.05 kada litro.
Karaniwang isinasagawa ng local oil companies ang kanilang adjustment sa petrolyo tuwing Martes bawat linggo.
Ayon sa huling datos ng Department of Energy, ipinapakitang ang presyo ng gasoline ay nasa P52.90 hanggang P59.86 bawat litro, habang ang presyo ng diesel ay nasa P41.94 hanggang P46.25 kada litro.
Comments are closed.