KONTRA HIKA

doc ed bien

Ang Agosto ay buwan ng WIKA. Ito rin ang buwan ng HIKA, ayon sa W.H.O. It was really funny when I talked about it on radio kasi akala ng marami ay nagloloko po tayo. Sa panahon din ngayon binubusisi ang detalye ng implementasyon ng e-jeepneys or electric jeepneys sa ma­raming bayan. Marami ang umaangal – but mostly mula sa mga operator na nagmamay-ari at drivers na nagmamaneho ng pam-pasaherong dyip na higit 20 taon na. ‘Rolling coffins’ some people call it. Pero wala halos umaangal sa riding public sa benepisyo na dala ng e-jeepneys. Comfort and safety ang habol nila. Kaya nga sumikat ang Uber at Grab ‘di ba?

MAGHIHIRAP KAMI!

E-JEEPNEY“Ang e-jeepney ay nasa P800,000 hanggang P1-M kada unit kompara sa diesel jeep na nasa P500,000. Saan kukuha ang mga driver? Hindi ganoon kadali na palitan ang aming mga dyip!” pahayag ng lider ng isang grupo.
Mawalang galang na po. E paano naman ang aming kalusugan? Kung iniisip ho ninyo ang bayarin sa pa-mamasada, e paano naman ho ang bayarin ng mga magulang sa tuwing maoospital ang mga anak nila? Sa totoo lang, ayon sa DOTr ay marami nga hong benepisyo sa modernisasyon:
1. ‘Yun drayber mismo ay makaiiwas sa sakit dulot ng polusyon.
2. Mababawasan ang boundary system kasi kayo na ang magmamay-ari ng dyip.
3. Mababawasan ang smoke belchers at mga tumitirik sa daan.
4. Sa parehong distansiya ay P200+ lang ang gastos sa baterya ng e-jeepney, samantalang P1,000+ ang konsumo sa krudo ng lumang dyip.
5. Handang asistihan ng gobyerno sa pinansiyal ang mga drayber na bibili nito.

ANO ANG KONEK SA ASTHMA?

Ang asthma o hika (mula sa salitang Griyego na ἅσθμα) ay isang pabalik-balik na sakit sa baga dahil sahika pamamaga ng daanan ng hangin. Kabilang sa mga karaniwang sintomas nito ay ang sumisipol at kapos na paghinga, paulit-ulit na pag-ubo, at paninikip ng dibdib. Ang mga bagay na nagdudulot ng hika ay surot, dumi ng ipis, mikrobyo, balahibo ng hayop at amag.
Ang mga nagpapalala naman ng hika ay usok at polusyon, masansang na kemikal, mga kolorete sa pagkain, sobrang init o lamig ng panahon. May mga kondisyon din kung bakit may hika ang iba saman-talang ang iba ay wala. Gaya ng genes o minana sa pamilya, medical conditions gaya ng allergies at ec-zema, at mga gamot gaya ng aspirin at ibuprofen. Tandaan, ang hika ay maaaring makamatay dahil sa kapos na pagdaloy ng ha­ngin sa utak at puso.

PAYO SA MGA MAY HIKA

• Eating a healthy diet supplies asthmatics with antioxidants and nutrients to resist environmental tox-ins.
• Eat green leafy vegetables, beans and nuts dahil mataas sa folate. Carrots dahil mataas sa vitamin A. Citrus fruits and cruciferous veggies gaya ng broccoli dahil mataas sa vitamin C. Garlic at onions dahil ito ay natural antibiotics. Mackerel, sardines, salmon at tuna dahil mataas ito sa Omega-3.
• Iwasan ang mga pagkaing nagti-trigger ng hika gaya ng cow’s milk, food fried in refined/processed vegetable oils, trans fat, food preservatives at food coloring,
• Bawasan ang sweets and added sugar, at colas dahil contributory ang mga ito sa overgrowth of yeast or candida albicans.
• Supplements for asthma should include Calcitriol, a form of vitamin D is a natural anti-inflammatory. A Cochran Database of Systematic Review tested 435 children and 658 adults with mild to moderate asthma. They found that those taking vitamin D supplements experienced fewer severe asthma at-tacks and required less use of oral steroids.
• Vitamins C acts like an antioxidant. Vitamin B vitamins support immune health and reduce wheezing. Zinc aids the body in coping with stress. Magnesium help reduce severity of symptoms and anxiety.
• Inhaling essential oils gaya ng lavender help reduce mucus and phlegm production, offer relief and treat swollen lymph nodes.
• Avoid secondhand smoke from cigarettes.
• Avoid antibacterial soaps and disinfectants.
• Use a dehumidifier in damp areas.
• Buy a water filter to remove chlorine from your tap water.
• Wash bedding weekly, and avoid carpets and heavy curtains.
• Use sheets and pillow cases that are non-allergenic.
• Clean and brush pets regularly to remove some of their fur.
• Manage stress with massage and deep abdominal breathing.
• Exercise. Obesity is linked to higher risk for asthma.
• Avoid poor posture. Compression of the lungs from poor posture might also contribute to symp-toms.
*Quotes
“The one thing I do that nobody else does is jump three and four times for one rebound.”
– Dennis Rodman, NBA star, asthmatic
“I’m very serious about what I do. I practice every day for three hours. I work on my scales, I work on my tone.”
– Kenny G, jazz saxophone, asthmatic

oOo

Salamat po sa pagsubaybay sa ating artikulo tuwing Lunes. Para sa mga dagdag ninyong katanungan, maaari po kayong makinig sa DWIZ 882 khz every Sunday at 11am sa programang Kalusugang Ka-BILIB or text sa (0999) 414 5144 or visit our Facebook account: lebien medical wellness. God bless dear read-ers!

Comments are closed.