UMAPELA kahapon ang Malakanyang sa publiko na tumulong para maiwasan ang post-holiday COVID-19 surges.
Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, sa pamamagitan ng mahigpit na pagsunod sa health and safety guidelines ng pamahalaan tulad ng pag-gamit ng opisyal na contact-tracing platform ng gobyerno kung kaya’t dinevelop ang StaySafe PH ng Multisys.
Sa kanyang talumpati kahapon , binigyang diin ni Nograles na ang pagdiriwang ng Pasko ay “kailangang sumunod sa mga safety protocols na itinakda ng Department of Health (DOH) at Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF).”
“Makipagtulungan sa tracing efforts ng gobyerno at pribadong sektor sa pamamagitan ng paggamit ng StaySafe PH system na inatasan sa lahat ng mga ahensiya ng gobyerno at lokal na pamahalaan na gamitin at itataguyod din sa lahat ng mga pribadong establisimiyento para gamitin ito simula ngayong buwan,” diin ng Nograles.
Inihayag ni Nograles na sa kasalukuyan ay may higit sa 40,000 mga establisimiyemto na ang nag-adopt ng StaySafe PH system kabilang ang SM, Ayala companies, Jollibee, at McDonald’s na inaasahang mas marami pang mga negosyo at tanggapan ng gobyerno ang susunod dito.
Ipinaliwanag ng kalihim na napakahalaga para sa lahat ng mga negosyo na sumunod sa StaySafe PH dahil ito lamang ang contact tracing platform na naka-synced sa DOH COVID-Kaya system.
Ang pag-adopt nito, dagdag ni Nograles ay magiging simula rin ng mga Safety Seal certifications para sa gobyerno sa pamamagitan ng LGUs at susunod na ilalabas sa mga private establishment.
Ang StaySafe PH app ay maaaring mai-download nang libre at hindi nangangailangan ng mobile prepaid load upang gumana dahil ito ay zero rated, kaya ang pag-access sa website ay libre at hindi mababawas mula sa data plan o load ng isang gumagamit. EVELYN QUIROZ
Comments are closed.