KONTRABANDO NASABAT SA CLARK

SINALAKAY  ng pinagsanib na mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa Port of Clark, National Bureau of Investigation (NBI) at Arm Forces of the Philippines (AFP) ang isang bodega na may nakaimbak mga kontrabandong kargamento na tinatayang aabot sa P129 milyon ang halaga.

Pinasok ng composite team ang isang warehouse ng Golden Sun 999 Industrial Park, De La Paz, San Simon Pampanga, gamit ang Letter of Authority na pirmado ni BOC Commissioner Leonardo Guerrero.

Binigyan ng ilang araw ang may ari ng warehouse para makapagsumite ng kaukulang mga dokumento bago mag-impose ng forfeiture proceeding. F MORALLOS