NAGKAKAHALAGA ng P6.5 milyon ang ipinatayong bahay na umano’y tinakasan ng isang kontraktor mula sa isang mag-asawa sa Quezon City.
Kinilala ni Police Major Rolando Armendez, hepe ng Manila Police District MPD- Warrant and Subpoena Section ang naaresto na si Brad Cheung, ng Greenhills, San Juan City.
Dakong alas-10:00 ng umaga sa loob ng Manila City Hall nang maaresto si Cheung sa bisa ng warrant of arrest na pirmado ni Judge Janet Abergos- Samar, ng National Capital Judicial Region Branch 219, Quezon City.
Inireklamo ng mag asawang Dennis at Ma Christine Villanueva ang suspek sa kasong estafa nang hindi tapusin ang paggawa ng kanilang bahay.
Base pa sa reklamo ng mag-asawa, over priced ang mga materyales na ginamit ni Cheung sa pagtatayo ng kanilang hindi natapos na bahay. MT BRIONES / PAUL ROLDAN
Comments are closed.