BULACAN- ARESTADO via OPLAN Paglalansag Omega ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang isang kontratista na nag-iingat ng pampasabog at ibat-ibang uri ng baril at mga bala sa Sitio Duplas Brgy, Kalawakan sa bayan ng Doña Remedios, Trinidad ng nasabing lalawigan.
Sa report ni Maj. Dan August C Masangkay kay CIDG Regional Chief-3 Col.Jess B Mendez, kinilala ang suspek na si Sonny Borinaga Y Calumpag, 49-anyos, may asawa, tubong Masbate at residente sa nabangit na Sitio.
Dinakip sa Borinaga sa pamamagitan ng Search Warrant No.79-M-2023 na inisyu ni Branch 16 RTC Vice Executive Judge Sita Jose Clemente sa kasong paglabag sa RA10591.
Base sa paunang imbestigasyon ni SMs Jayson Dela Cruz inihain ang search warrant dakong alas-6:30 hanggang alas-10:20 ng umaga nitong Huwebes.
Nakuha sa loob ng bahay nito ang isang Hand Grenade ,4 na unit ng cal.22 na rifles, isang cal.45, dalawang cal.38, isang Automatic Carbine rifle at isang 12 Guage Shot gun, at ibat-ibang uri ng mga bala ng baril na pawang walang sapat na dokumento.
At isang unit ng Norinco Cal. 45 pistol with Serial No. BA47564-15-246 na ibinalik kay Rima Boringa, asawa ng dinakip na suspek matapos maipakita ang sapat na permit mula sa Camp Crame.
Nabatid na gumamit ang mga pulis ng Body Worn Camera (BWC) na may serial no. 5203109B19108110 at Alternative Recording Device (ARD) upang matiyak na walang nilabag na batas ang mga ito.
Samantala, paglabag sa R.A 10591 (An Act Providing a Comprehensive Law on Firearms and Ammunition ang isasampa laban sa suspek na kasalukuyang nakakulong ngayon sa Cidg detention cell. THONY ARCENAL