POSIBLENG bawiin ng pamahalaan ng Filipinas ang pakikipag-kontrata sa China kaugnay sa Kaliwa Dam project kung mapa-patunayang disadvantageous ito para sa bansa.
Ito ang tugon ni Presidential Spokesman Salvador Panelo kaugnay sa sinasabing napipintong water crisis bunsod ng critical water level sa Angat Dam, na siyang main source ng water supply sa Metro Manila at mga kalapit na areas.
“If the findings will show that it is indeed disadvantageous and is against the interest of the people there, then it can be rescinded,” wika ni Panelo sa ginanap na press briefing sa Malakanyang.
Ang Kaliwa Dam project na nagkakahalaga ng 12.2 bilyong piso ay matatagpuan sa Rizal at Quezon.
Kasalukuyang nagsasagawa ng pag-aaral kaugnay sa nabanggit na kontrata dahil sa ilang usaping legal kabilang na ang bigong pagkonsulta sa mga indigenous people na lubhang apektado ng naturang proyekto.
Pormal na napagkasunduan ng Filipinas at China ang nabanggit na proyekto sa ginawang pagbisita sa bansa noong Nobyembre ng nakaraang taon ni Chinese President Xi Jinping.
Naniniwala si Panelo na wala namang nakikitang problema sakaling umatras sa kontrata ang pamahalaang Filipinas.
“If the findings will show that it is against the interest of our country, I’m sure the Chinese government will understand as it would do the same if it was placed in the same situation,” giit ni Panelo.
Ang mga residente ng Metro Manila at kalapit lugar nito ay dumaranas ng water supply interruptions bunsod ng critical water level sa Angat Dam.
Nagbabala si Panelo sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System at sa dalawang water concessionaires ng posibleng drastic action ng Pangulong Rodrigo Duterte kung hindi matutugunan ang water crisis.
“I suppose the fact that they have not undertaken corrective measures that will prevent the evolution of this upcoming crisis again would be a factor that would make the President decide on drastic action against them,” dagdag pa ni Panelo.
“Well, the message again is shape up or ship out,” giit pa ng kalihim.
Noong nakaraang Marso ay nakaranas ang ilang bahagi ng Metro Manila ng water crisis kung kaya’t nagbigay ng babala ang Pangulong Duterte sa mga kinauukulang ahensiya. EVELYN QUIROZ
Comments are closed.