MAGHAHAIN ng isang House Resolution ngayong araw ng Lunes si Rep. Eric Yap, ng ACT-CIS Partylist upang hilingin na maimbestigahan ang kontrata sa pagitan ng pamahalaan at ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) na nangangasiwa sa operasyon ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1).
Ayon kay Cong Yap, kaisa siya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa sentimyento nito hinggil sa naturang kontrata na itinuturing niyang isang ‘panlilibak’ sa Konstitusyon at mga umiiral na batas ng bansa.
Sinabi nito na talong-talo ang pamahalaan sa kontratang ito dahil kung tama aniya ang kanyang kalkulasyon base sa hawak na pigura, ay kikitain na ng LRMC ang higit pa sa Project Concession Fee sa loob lamang ng apat na taon, ngunit binigyan pa rin ang pribadong kompanya ng 32-taong ex-clusive rights sa pagpapatakbo ng LRT-1, na maaari pang palawigin ng hanggang 50-taon.
“I share the sentiment and frustration of the President on the LRT Contract between the government and the LRMC. The Concession Agreement is very lopsided in favor of LRMC and it is a mockery of our constitution and existing laws. If my figures are right, the Gross Revenue Amount reported by LRMC in just four years is already bigger than the Project Concession Fee, while the government bears the financial impact of this agreement,” ani Yap.
“Apat na taon pa lang ‘yan and this agreement will cover a 32-year period. They have exclusive rights for 32 years and it can extend to 50 years. Im-agine that. Nakakagalit at paulit-ulit kong iniisip kung bakit tayo pumasok sa ganitong kontrata. Napakaraming entitlements ng LRMC at talong talo ang gobyerno sa agreement na ito!” aniya pa.
Comments are closed.