KONTRATANG PINASOK SA PAGGAWA NG PASSPORT, PINABUBUSISI NG KAMARA

Rep John Bertiz III

PINARE-REVIEW  ni ACTS-OFW Partylist Rep. ng joint venture agreement na pinasok ng APO Produc-tion Unit at United Graphic Expression Corporation para sa paggawa ng passport.

Ito’y kasunod ng ibinunyag ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nagkaroon ng data leak sa impormasyon ng  passport holders na kalaunan ay binawi rin ni Foreign Affairs Sec. Teddy Boy Locsin.

Duda si Bertiz sa paghawak ng UGEC at APO sa database ng mga aplikante pati na ang transition mula sa lumang contractor.

Dapat aniya ay diretso na sa sistema ng DFA ang source code upang hindi na manatili sa da­ting contractor ang kopya ng mga datos gaya ng birth certificate.

Kaugnay nito ay magpapatawag sila ng briefing sa susunod na linggo para alamin kung nasunod ba ang mga rekomendasyon nila sa nakalipas na imbestigasyon.

Mababatid na tinukoy ang French company na Francois-Charles Oberthur Fiduciare bilang dating contractor ng DFA para sa printing ng mga passport.     CONDE BATAC

Comments are closed.