KOOPERASYON NG ‘HOG RAISERS’ IGINIIT VS SWINE DISEASE

Juan Fidel Nograles

UMAPELA si Rizal  Rep. Juan Fidel Nograles sa lahat ng hog raisers partikular ang mula sa bayan ng Montalban (Rodriguez) na makipagtulungan sa Department of Agriculture (DA)-Bureau of Animal Industry (BAI) at iba pang ahensiya ng pamahalaan bunsod na rin sa  nararanasang pagkalat ng sakit sa mga baboy.

Sa isang panayam, sinabi ni Nograles na kumikilos na ang DA-BAI para tugunan ang naturang problema matapos matukoy ang pagkakaroon ng swine disease sa mga barangay ng Macabud, San Isidro at San Jose ng nasabing bayan, na kanyang nasasakupan

Isinailalim na sa quarantine ang tatlong barangay dahil sa nangyaring pagkamatay ng mga alagang baboy ng ilang backyard swine farmers.

“They (backyard swine farmers) said their pigs showed loss of appetite, recumbency, vomiting, skin hemorrhage, dark discoloration in the extremities, and sudden death,” pahayag ni Nograles.

Bagama’t sinuri na ng mga tauhan ng DA-BAI ang mga nagkasakit na baboy, ang resulta nito ay hindi pa agad malalaman para na rin matukoy ang sakit na tumama dahil sa ibang bansa pa gagawin ang laboratory test.

Kabilang sa hiling ng Rizal lawmaker ang pagsunod ng hog raisers sa ipinatutupad ng DA-BAI na “one-se­ven-ten” policy upang maiwasang kumalat pa ang pagkakasakit ng mga baboy.

“The ‘one-seven-ten’ protocol requires all hogs within a one-kilometer radius be culled, while those in seven and 10-kilometer radiuses will be strictly monitored. The priority now is to prevent the spread of whatever is causing these deaths to other parts of Montalban,” giit ng kongresista. ROMER R. BUTUYAN

Comments are closed.