LUMAHOK kamakailan ang Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) sa pulong na ipinatawag ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu para simulan ang rehabilitasyon ng Manila Bay.
Kabilang sa mga ahensiyang nagsidalo ang Laguna Lake Development Authority (LLDA), Manila Bay Coordinating Office (MBCO), Policy and Planning Service, DENR sa National Capitol Region ang Policy Studies Office upang talakayin at maisapinal ang short-term at medium-term plan para sa rehabilitasyon ng Manila Bay.
Ayon kay Cimatu, kinailangan ang aktibo at kahusayan ng PRRC sa rehabilitasyon ng Manila Bay dahil nagtagumpay ang ahensiyang pinamumunuan ni Executive Director Jose Antonio “Pepeton” E. Goitia sa epektibong restorasyon at pamamahala sa Ilog Pasig at mga tributaryo nito.
“Kailangan talagang magkaisa ang lahat dahil utos na ng ating mahal na Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang rehabilitasyon ng Manila Bay,” ani Goitia. “Dapat sumunod sa batas ang lahat ng establisimiyento, pabrika, at informal settlers hindi lamang sa Manila Bay kundi maging sa Pasig River at iba pang tributaryo dahil magsisimula ang pagbabago sa ating lahat para mapaganda natin ang kalidad ng tubig sa ating mahal na look ng Maynila.”
Siniyasat nina Cimatu at DENR Undersecretary Benny Antiporda ang ilang establisimiyento nitong Biyernes sa tabi ng Manila Bay at natuklasang walang maaayos na drainage system at water treatment facility ang mga sikat na hotel at ang Manila Zoo.
Comments are closed.