KOOPERASYON NG PUBLIKO HILING NI MMDA CHAIR ABALOS

Gaano man kagaling ang sistema, pag-uugali pa rin ng taumbayan ang mahalaga.

Ito ang binigyang diin ng dating alkalde ng Mandaluyong at ngayo’y bagong talagang chairman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na si Benhur Abalos Jr..

Ayon kay Abalos, gaano man kaganda ang plano na ilalatag ng kanilang ahensiya ay nangangailangan pa rin ito ng kooperasyon ng publiko.

“Ang panawagan ko po, maski anong galing ng sistema, importante po dito ang attitude ng mga tao,” ani Abalos.

Dagdag pa nito, dapat din na maunawaan ng taumbayan ang mga tungkulin at limitasyon ng MMDA upang maiwasan ang kaliwa’t kanang pambabatikos.

Sinabi rin ni Abalos na pag-aaralan niya ang posibleng balasahan sa kanyang mga tauhan, ngunit sa ngayon aniya ay prayoridad nito ang maipagpatuloy ng maayos ang tungkulin ng MMDA.

I really have to do review. What is important right now is the smooth continuity,” ani Abalos sa panayam ng Ratsada Balita sa DWIZ882.

Comments are closed.