KOOPERASYON NG RUSSIA AT PH PINAIGTING

russia

MOSCOW RUSSIA- NAGKAHARAP na sa isang bilateral meeting noong Martes ng hapon sina Pangulong Rodrigo Duterte at Russian Prime Minister Dmitry Medvedev kung saan tiniyak ng Pangulong Duterte ang mas pina­lakas  na kooperasyon sa pagitan ng dalawang bansa.

Sa opening statement ng Pangulong Duterte ay pinasalamatan niya ang Punong Mi­nistro ng Russia dahil sa mainit na pagtanggap sa kanya at sa kanyang delegasyon. Inihayag ng Pangulo na malaki ang nagawa ng una niyang pagbisita noong Mayo 2017 kung saan doon ay nabuo ang pundasyon ng bilateral cooperation sa pagitan ng Filipinas at Russia.

“Since then, we have been — we have seen the remarkable progress in our engagement including such strategic areas as defense and security,” wika ng Pangulo.

Maitururing aniyang isang milestone sa relasyon ng Filipinas at Russia ang port call ng BRP Tarlac sa Vladivostok noong 2017 habang tuloy-tuloy rin ang pagpapalawig sa kooperasyon ng dalawang bansa sa aspeto ng trade and investment, defense and security, energy, science and technology at iba pa.

Sa ganitong momentum ayon pa sa Pangulo ay tiyak na magbubunga ito ng mas malakas pang kooperasyon sa pagitan ng dalawang bansa.

“We now have  mechanisms of cooperation in various areas including trade and investment, defense and security, energy, science and technology, among others. We are intent to sustaining this momentum. I am confident we’ll succeed as I see strong commitment and will from both sides to bring our relation to an even greater level” dagdag pa ng Pangulo.

Sa panig naman ni Medvedev sinabi niyang patuloy naman ang paglago at pagpapaunlad sa kanilang mga aktibidades sa mga nagdaan.

“The development is positive over the last one — one and a half year, the trade turnover grows twice and it’s good because you always are advocating the development of trade and economic relations with our country. And our task is to strengthen this trend,”sabi pa nito.

Sa pagbisita ng Pa­ngulong Duterte ay nakatakda ring lagdaan ang mahahalagang bilateral agreements maging sa agrikultura at iba pang humanitarian aspects.

Ang pagpupulong nina Pangulong Duterte at Medvedev ay gina­nap sa tinatawag nilang “White House”, subalit hindi aniya katulad ng White House sa ibang bansa.

“ It is Russian house of government. It’s a little bit bigger than the White House that we all know and better,” dagdag pa ni Medvedev. EVELYN QUIROZ