PASAY CITY – UMAPELA ng kooperasyon sa publiko si Senator Christopher Bong Go para masolusyunan ang problema sa trapiko.
Pahayag ni Go na maraming paraan para makatulong ang lahat upang maibsan ang problema sa trapiko tulad ng coding at iba pa.
Aniya, bagamat itinuturing nilang Superman si Pangulong Rodrigo Duterte sa Davao, hindi na nito kakayanin na maresolba ang matagal ng problema sa trapiko.
Iginiit ni Go na hindi nangangako si Pangulong Duterte nang hindi niya kayang gawin lalo na at limitado na ang panahon niya hanggang matapos ang termino nito sa 2022.
Ipinaalala rin ni Go na wala ring ipinangako si Pangulong Duterte noong panahon ng kampanya na kaya niyang resolbahin ang problema sa trapiko.
Matatandaang unang taon pa lang sa termino ni Pangulong Duterte ay inihirit na ang emergency power para rito upang maibsan ang problema sa trapiko pero hindi ito ibinigay ng kongreso. VICKY CERVALES
Comments are closed.