KOOPERASYONG PANGDEPENSA, EKONOMIYA AT TEKNOLOHIYA PAIIGTINGIN NG PILIPINAS AT ISRAEL

IPINAHAYAG  ng isang Jewish leader na ang Pilipinas at Israel ay magkakaroon ng mga “economic at defense” cooperation matapos ang kanilang mga kaganapan sa selebrasyon ng “Jewish Year” or Taon ng mga Hudyo.

“In the coming new Jewish year, we are working on many economic and defense cooperation between our nations.This year, we are expecting a water roadshow, emergency response delegation, and agtech roadshow.We are also expecting a visit of Isral Asia Chamber of Commerce to the Philippines.Another event happening next month is the first Israel-Philippines Joint Economic Committee in Israel,” ang sabi ni Ilan Fluss, Israel Ambassador sa isang pahayag sa Pandesal Forum sa Kamuning Bakery kamakailan.

Ito ay sa gitna ng napipintong pagbisita ng mga defense delegation ng mga Israeli sa Pilipinas mula sa Ministry of Defense-International Defense Cooperation Directorate ng naturang bansa, upang tumulong sa kasalukuyang pagsasagawa ng programa ng modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Kasabay nito ay ang pahayag ng naturang Jewish leader na ang susunod na modernization na programa ng Pilipinas na tinaguriang Horizon 3 ay tututok sa mga teknolohiya ng mga Israeli na pwedeng isalin at ipagamit sa AFP.

Ang Horizon 3 ay nakatakdang isagawa ng Pilipinas ngayong 2023 hanggang 2028.Ang una at ikalawang programa sa modernisasyon ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas na tinaguriang Horizon 1 at 2 ay naisagawa ng 2013 hanggang 2022 kung saan ay nagkaroon ng Del Pilar-class frigates, FA-50PH light-lift interim fighters at sealift vessels, at iba pang armas pangsandatahan at mga kagamitan ang Pilipinas mula sa mga kakampi nitong bansa. Sa Horizon 1 at 2 ay nakapagbigay ang bansang Israel sa Pilipinas ng artillery, howitzers at armored personnel at mortar carriers.

Iginiit ni Fluss na posible umanong tumulong ang bansang Israel sa Pilipinas sa pagpapatupad ng regional peace and stability sa Indo Pacific na rehiyon sa gitna ng agawan ng teritoryo at isla ng mga bansa sa Timog Silangang Asya o “SouthEast Asia ” sa West Philippines Sea at kasalukuyang iringan sa pagitan ng Pilipinas at Tsina dito. Halos magkahawig umano ang nangyayaring mga suliranin sa geopolitics sa rehiyon ng Timog Silangang Asya at sa kinakaharap na mga hamon sa seguridad ng Israel sa Gitnang Silangan o “Middle East”.

Bukod sa pagtulong sa pagpapalakas ng depensa sa Pilipinas, sesentro ang mga napipintong usapin ng Israel at Pilipinas sa larangan ng kalakalan, agrikultura, inobasyon sa patubig, cybersecurity at people to people exchange.

Matatandaang ang pagpapatatag ng relasyon ng Pilipinas at Israel ang naging pakay ng dalawang araw na pagbisita noong Hunyo ni Foreign Minister Eli Cohen sa Malacanang.

Ang relasyong pagkakaibigan ng Israel at Pilipinas ay pinatatag sa isang bilateral ties sa paglagda ng mga pinuno ng dalawang bansa ng Treaty of Friendship ng February 26,1958.Ang Pilipinas ang kaisa- isang bansa na kumupkop at nagligtas sa mahigit isang libong Jewish refugee na tumakas sa pagmamalupit sa Germany sa pamumuno ng diktador na si Adolf Hitler sa gitna ng digmaan sa pagitan ng 1937 hanggang 1942.

“As we enter this new phase of, the Embassy of Israel looks back on the fruitful year we had in Manila.The recent visit of FM Eli Cohen signified the strong relations between Philippines and Israel. It further strengthened our bilateral relations and the areas of cooperation such as agriculture and water, trade and economy, innovation and technology, and defense, among others,”sabi ni Fluss.

Samantala ipinagdiwang ng Israel kamakailan ang Rosh Hashanah o Jewish New Year, isa sa pinakabanal o Judaism’s holiest days na ipinagdiriwarng sa pagitan ng mga buwan ng Setyembre at Oktubre. MA. LUISA M. GARCIA