KOPYA NG CRIMINAL RECORDS NINAKAW

LAGUNA- ISANG 45-anyos ang arestado nang nakawin nito ang libo-libong kopya ng criminal records ng isang branch ng korte sa lalawigan ito.

Kinilala ni P/Col. Glicerio Cansilao, Batangas provincial director ang suspek na si John Carlo Lumbres, may-asawa at residente ng Poblacion, Tanauan City.

Sa pahayag ni Cansilao, isang concerned citizen ang nagsumbong sa himpilan ng pulisya hinggil sa umano’y pagkakarga ng sako-sakong materyales sa isang tricycle sa tapat ng Justice Building sa Tanuan.

Mabilis umanong nagresponde ang mga operatiba ng Batangas PNP para hulihin ang suspek subalit mabilis umanong nakaalis ito sa nasabing lugar.

Sa isang follow up operation nasakote si Lumbres sa tahanan nito at nabawi ang walong sako ng criminal records ng korte na ang karamihan ay kasalukuyan pang dinidinig via online.

Inaalam pa ng mga imbestigador ang dahilan kung bakit ito ninakaw ng ni Lumbres.
ARMAN CAMBE