KOREA NAGPADALA NG BARKO SA LIBYA

South Korean

SEOUL – NAGPADALA na ang Seoul ng isang barkong pandigma upang masiguro ang kaligtasan ng isang South Korean at tatlong Filipino na kinidnap sa Libya.

Sa report, isang 4,000 toneladang sasakyang pandagat –ang  Munmu the Great na ginagamit sa mga anti-piracy operations sa Aden Gulf – ang patungo na ngayon sa Libya.

Handa rin umano ang barko sa posibilidad na kakailanganin ang suporta ng militar kung hindi ibibigay sa kanila ang mga bihag.

Kinidnap ang tatlong Filipino engineers at isang South Korean noong July 6, nang atakihin ang isang water project site sa western Libya.

Kinumpirma ng gobyerno ng Libya at S. Korea na sila nga ang na-feature sa isang video na nag-trending sa social media noong isang linggo.

Kinumpirma rin ng embahada ng ­Filipinas sa Tripoli na ang tatlong lalaki sa video ay mga Filipino technician na tina­ngay ng armadong kalalakihan sa Libya, ngunit hindi pa nila makumpirma ang mga pangalan nila.

Nakikipag-ugnayan din umano sa kanila ang Libya at iba pang kakamping bansa tulad ng United States upang mapabilis ang pagpapalaya sa mga bihag.    NENET L. VILLAFANIA

Comments are closed.