BUKOD sa pagpapalakas ng investment relations sa pagitan ng Filipinas at South Korea, napagkasunduan din nina Pangulong Rodrigo Duterte at Korean Ambassador to the Philippines Han Dong – Man na magtayo ng Korea town sa bansa.
Nag-courtesy call kamakalawa ang ambassador kay Duterte, ilang araw bago ang pagbisita ng Pangulo sa South Korea sa Nobyembre 24 hanggang 26 para dumalo sa ASEAN Republic of Korea Commemorative Summit.
Bitbit ni Ambassador Han Dong – Man ang kanyang letter of credence para kay Pangulong Duterte kung saan inilahad ang planong pagpapalakas ng investment relations sa pagitan ng dalawang bansa.
Kabilang dito ay ang pagkakaroon ng Korea Town sa Malate, Manila sa pakikipag-ugnayan na rin sa Manila City government.
Una nang inihayag ng Malakanyang ang posibilidad na magkaroon ng bilateral meeting sina Pangulong Duterte at South Korean President Moon Jae – in. DWIZ882
Comments are closed.