KOREAN ACTOR PARK BO GUM MILITARY SERVICE UPDATE

PARK BO GUM

NATAPOS na ng sikat na Korean actor na si Park Bo Gum ang kanyang anim na linggong basic military training noong Oktubre 8. Ang seremonya ng pagtatapos ng training para sa mga marino ay ginanap sa Naval Education & Training Command sa siyudad ng Chang-won.

Pumasok bilang bagong recruit sa Navy si Park Bo Gum noong Agosto 31 kung saan natapos na niya ang kanyang basic training nito lamang Huwebes. Sa inilabas na videos at mga larawan ng “Republic of Korea Navy” mula sa nasabing seremonya makikita sa isang larawan ang aktor.

Ngayon, magsisilbi na bilang cultural promotion soldier sa Navy ang aktor.

Bago pa man sumabak sa 2- year mandatory military service si Park Bo Gum ay natapos na niya ang filming para sa bago niyang drama na “Record of Youth” kung saan ginagampanan niya ang karakter na si Sa Hye Joon, isang aspiring actor at model. Kasama rin niya sa drama sina Park So Dam at Byun Woo Seok. ni Aimee Grace Anoc

Comments are closed.