KOREAN AIR PLANE NAG-OVERSHOOT: 162 PASAHERO, 11 CABIN CREW LIGTAS

CAAP

LIGTAS ang 162 pasahero at 11 cabin crew makaraang mag-overshoot ang Korean Airlines Airbus 330 sa madamong lugar ng Mactan-Cebu International Airport (CMIA) runway 22 nitong Linggo ng gabi.

Sa report ng Cebu Mactan International Airport (CMIA), ang Korean flight KE631 bandang alas- 11:11 ng gabi ay nag-overshoot SA madamong bahagi ng airport dulot ng pagbuhos ng malakas na ulan.

Dahilan ito upang magpalabas ng Notice to Airmen (NOTAM) ang Civil Aviation Authority of the Philippine (CAAP) sa temporary closure sa naturang airport para sa gagawin retrieval ng flight KE631.

Kasabay nito, nag-dispatch ang CAAP ng experts aircraft investigators para madetermina ang naging sanhi sa insidente kasunod ang retrieval operation upang matulungan ang CMIA sa recovery operation bilang pagsunod sa international standards on aircraft recovery.

Samantalang na-stranded naman ang libo-libong domestics passengers na pinayuhan ang mga ito na agad makipag-ugnayan sa kanilang airlines para sa kanya-kanyang revoking ng flights schedules.

Habang isinusulat ang balitang ito, walang pang linaw kung anong pananagutan ng Korean airlines sa abalang sinapit ng mga pasahero. FROILAN MORALLOS