KOREAN FUGITIVE TIMBOG SA NAIA

Commissioner Jaime Morente-6

NASAKOTE ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang puganteng Koreano na wanted sa Korea dahil sa illegal gambling.

Ayon sa report kay Immigration Commissioner Jaime Morente, kinilala ang suspek na si An Beonghyeon, 27anyos na naharang sa Departure area ng NAIA Terminal 1 habang nagpoproseso ng papeles nito sa Immigration counter nang ma­diskubreng nasa watchlist  ito.

Batay sa impormas­yon ng BI sa Interpol unit nakipagsabwatan si An sa kanyang mga kababayang Koreano sa pag-ooperate ng illegal on line gaming website na tinatawag “Syrub, Milk, Butter, at Sugar magmula taong 2017 hanggang nitong buwan ng Marso taong kasalukuyan.

Ipinagpatuloy ang kanilang racket sa Fili­pnas kung saan nagso-solicit ng gambling money mula sa kababayan nilang Koreano bilang taya sa kanilang illegal gambling.

Si An ay may warrant of Arrest na inisyu ng Busan district court noong March 7 na siyang naging daan upang ilagay ito sa Interpol red notice list.

Kinasuhan si An ng korte dahil sa paglabag ng Korea’s national sports promotion act, at kapag kinatigan ng korte, ­maaari ito makulong ng hindi bababa sa sampung taon. FROILAN MORALLOS

Comments are closed.