KOREAN FUGITIVES NASAKOTE NG BI

NAARESTO ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Pasig City at Cainta ang dalawang Korean national na wanted sa kanilang lugar dahil sa kasong pandarambong.

Kinilala ang mga suspek na sina Ban Jaeyob, 56-anyos at Bang Yoonjik, 55-anyos na nadakip sa isinagawang magkakasunod na operasyon ng mga kawani ng BI’s Fugitive Search Unit (FSU) sa Metro Manila.

Ayon sa report ng FSU, si Ban Jaeyob ay naaresto noong Martes sa kanyang condominium sa Ortigas, Pasig City sa tulong ng Korean authorities at Criminal Investigation and Detection Group ng Eastern Police District.

At nakarating sa pamunuan ng BI si Ban ay mayroon nakabinbin na Warrant of Arrest sa Seoul Central District Court sa Korea bunsod sa mga kasong fraud, illegal confinement, counterfeit or alteration of private documents at extortion in violation of South Korea’s Criminal Act 347, 276, 231, and 350.

Samantalng si Bang Yoonjik ay nahuli noong Miyerkules ng umaga sa Cainta Rizal na mayroon ding Warrant of Arrest sa Seoul District Court noong pang nakaraang taon kaugnay sa paglustay ng KRW 88M o katumbas ng P3 milyon mula sa kanyang naging biktima.

Kasalukuyang nakakulong ang dalawang ito sa BI warden facility sa Bicutan habang nakabinbin pa ang kanilang deportation order ng BI Board of Commissioners. FROILAN MORALLOS

Comments are closed.