KOREAN-MADE WARSHIP DUMATING NA SA BANSA

MISTULANG handa nang sumabak sa giyerang pandagat ang bansa kasunod ng pagdating sa Pier 15 sa South Harbor sa Maynila ng BRP Antonio Luna (FF151) na pinakabagong Korean-made missile warship ng Filipinas.

Ayon sa Philippine Navy, ang BRP Antonio Luna ay ang ikalawang Rizal-class frigate na nabili ng pamahalaan upang mapalakas ang hukbong pandagat ng bansa.

Kasama ang ibang matataas na opisyal ng pambansang militar, naging Guest of Honor at Speaker sa naturang simpleng arrival ceremony para sa pagdating ng warship si DPWH Secretary Mark Villar.

Nauna nang dumaong sa Subic Bay sa Zambales ang barko, bilang pagsunod sa mandatory qua­rantine period para sa mga crew nito.

Inaasahan naman ang pagbabasbas at commissioning para sa BRP Antonio Luna sa unang linggo ng Marso.

Tiwala naman ang Philippine Navy na makakatulong ang BRP Antonio Luna sa BRP Jose Rizal at iba pang assets ng gobyerno sa maritime defense o pagbabantay sa mga karagatan ng bansa, maging sa humanitarian assistance at disaster response operations. PAUL ROLDAN

23 thoughts on “KOREAN-MADE WARSHIP DUMATING NA SA BANSA”

  1. Good day! This is my first comment here so I just wanted to give a quick shout out and say I really enjoy reading through your articles. Can you recommend any other blogs/websites/forums that cover the same subjects? Thanks a lot!

Comments are closed.