PUMALO na sa 1.5 million na foreign arrivals ang naitala ng Pilipinas ngayong taon.
Ito ang inihayag ng Department of Tourism (DOT) kasunod ng pagdagsa ng mga dayuhang Koreano sa bansa nito lamang nakaraang linggo na umabot sa 1,400.
Ayon sa DOT, ang Korean nationals mula sa South Korea ang top tourist sa bansa ngayong 2023.
Mas mataas ito kumpara sa naitalang bilang ng mga Koreano na dumating sa Pilipinas noong nakaraang taon na sinundan ng United States bilang 2nd top source market ng bansa.
Matatandaang bago magpandemya, ang Koreans ang numero unong visitor arrivals ng Pilipinas noong 2019 na umabot sa halos dalawang milyon. DWIZ 882