KOREAN STREET FOOD PATOK SA LUNA

HINDI lang mga kuwento ng pamilya, pag-ibig at career sa  Koreanovela ang nagbigay inspirasyon sa isang ginang, kundi ang uri ng pagkain na rin.

Ito ang dahilan kaya naisipan ang pagtitinda ng street food ni Ginang Cristina Africante, 32-anyos ng Centro Dos Luna,  Isabela.

Isang taon nang hanapbuhay ni Cristina ang pagtitinda ng Korean Street Food sa tapat ng munisipyo ng Luna.

Sa ating panayam ay sinabi nya na Korean street food ang kanyang napiling ibenta dahil in demand ito sa mga kabataan at tanging sa Luna Isabela ay siya pa lamang ang may paninda Korean street food dagdag pa niya na ito ay “can afford” ng mga estudyante kaya marami Sila suki mga kabataan

Ang kanyang mister naman ay trabahaodor din kaya tulong sila mag-asawa sa pagtataguyod ng pamilya.

Sila ay may dalawang anak  at ang mga ito ay pawang nag-aaral sa elementarya, Grade 8 at Grade 1

Sa ngayon at mayroon silang hinuhulugan tricycle upang may service sila.

IRENE GONZALES