PAMPANGA – ISA na namang Korean ang natagpuang wala ng buhay sa loob ng isang apartment sa Angeles City sa ulat ng pulisya.
Kinilala ng Central Luzon Police Regional Office (PRO 3) ang Koreano na si Sae Songi Kim, 40 anyos na nangungupahan sa nasabing apartment sa Robin Street Sa Barangay Sto. Rosario ng nasabing siyudad.
Lumalabas sa pagsisiyasat ng Angeles City Police na nadiskubre ang bangkay ng banyaga ng isang babaeng caretaker sa isang kuwarto sa apartment.
Nasilip umano ng caretaker ang nakabigting katawan ng isang lalaki sa kanyang unit.
Prinoseso ng mga tauhan ng Scene the Crime Operatives (SOCO) at patuloy ang imbestigasyon sa pagkamatay ng Korean para malaman kung may foul play sa likod nito.
Magugunitang nitong nakalipas ding linggo ay na-recover ang bangkay ng isang South Korean National na huling nakita noong June 16 sa isang hotel sa Makati.
Ayon kay Police Lt. Col. Villaflor Bannawagan, pinuno ng Antipolo City Police, nakita nila ang isang hotel key card sa underwear ng biktima na kinilalang si Joo Yeong-Wook.
Tumugma naman ang nasabing key card sa isang hotel sa Makati City kung saan nananatili ang biktima.
Ang pagpatay kay Joo ay ang pinakabagong krimen na may mataas na profile na kinasasangkutan ng isang koreano sa Filipinas, kasunod ng pagdukot at pagpatay sa south korean na negosyanteng si Jee Ick-Joo noong Oktubre 2016.
VERLIN RUIZ
Comments are closed.