KOREANONG PUGANTE TIMBOG

PAMPANGA- DALAWANG dalawang South Korean fugitive ang naaresto sa lalawigang ito habang ang isa ay sa Makati City.

Ayon sa Bureau of Immigration (BI), naaresto rin si Jung Youngmin, 51, sa Pampanga nitong Sabado habang si Kang Mingyu, 56, ay naaresto habang nagtatago sa kanyang condominium unit sa Makati City ng mga operatiba mula sa bureau’s fugitive search unit (FSU).

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, naglabas ng warrant laban sa pag-aresto sa mga Koreano alinsunod sa summary deportation order na inisyu ng BI board of commissioners laban kay Kang noong 2020 bilang undesirable alien.

Ipinapakita ng mga rekord na ang isang warrant para sa pag-aresto kay Kang ay inisyu noong Hunyo 2020 ng hukuman ng distrito ng Dongbu sa Seoul kung saan siya kinasuhan ng large-scale fraud.

Si Kang ay napasailalim din sa red notice na inisyu ng Interpol noong 2020 matapos malaman na tumakas siya sa Maynila para umiwas sa pag-uusig. FROILAN MORALLOS