NAKATAKDANG ipatapon ng Bureau of Immigration (BI) palabas ng bansa ang siyam na Korean nationals dahil sa ilegal na pagtatra-baho sa bansa nang walang maipakitang permit.
Sa ulat na nakarating sa opisina ni BI Commissioner Jaime Morente, kinilala ang mga suspek na sina Seongjin Chung, Heakyung Pyun, Doyeon Kim, Myoungkyu Seong, Eun Kyung Lee, Kwan Soo Heo, Jeong Dong Kim, Sanghwan Pyun at Song Min Sup.
Ayon sa pahayag ni Morente, nahuli ang mga dayuhan ng mga tauhan ng Intelligence Division ng BI noong Setyembre 18 sa Parañaque City ha-bang nagtratrabaho sa iba’t ibang establisimiyento nang walang working permit o pahintulot ng pamahalaan.
Lumalabas sa resulta ng imbestigasyon na nadiskubre na ang siyam na Korean nationals ay pawang dumating sa bansa bilang mga turista, kaya ki-nokonsidera silang undocumented o illegal alien sa pagtatrabaho nang walang permit.
Nakakulong sa BI detention center sa Bicutan,Taguig City ang mga dayuhan para sa deportation proceedings laban sa mga ito. FROI MORALLOS
Comments are closed.