KORINA AT PINKY WEBB TANDEM: ‘AGENDA’ EERE NA SA BILYONARYO NEWS CHANNEL

Sa nakatakdang major television debut ngayong Lunes, September 9, ipi­nabatid ng Bilyonaryo News Channel ang kanilang lineup para sa anchor desk ng primetime newscast na ‘AGENDA’. Ang programa ay pangu­ngunahan ng mga de-kalibreng broadcast news anchors ng bansa—ang Agenda Setters na sina KORINA SANCHEZ-ROXAS at PINKY WEBB.

Naunang inihayag ang makasaysayang pagbabalik sa news anchoring ng award-winning journalist na si Korina Sanchez-Roxas, na ang huling naging newscast ay halos may isang dekada na. Taglay ang mukha at pangalan na kasing kahulugan na ng Philippine media sa loob ng nagdaang limang dekadang pagiging anchor ng mga pangunahing news programs at lifestyle shows, si Korina ay isa na sa mga haligi ng broadcast journalism sa bansa. Ang  ‘Agenda’ ay patuloy na sasandig sa kanyang  diretsong estilo ng pagtatanong sa mga stakeholders tungkol sa iba-ibang isyu na nakakaapekto sa bansa bilang pangunahing agenda ng programa.

Makakasama sa newsdesk ng ‘Agenda’ ang kinikilalang broadcast journalist na si Pinky Webb. Si Pinky ay may tatlong dekadang karanasan sa industriya ng pagiging anchor sa iba’t ibang programa para sa major news channel. Ang kanyang bana­yad na estilong panlabas ay bumabalanse sa kanyang masidhi at walang humpay na pamamaha­yag. Si Pinky ay kilalang mapapagkatiwalaan at may kalmadong pagbabalita na hahatak sa mga manonood para dalhin ang kanilang atensyon sa mga pangunahing isyu at balita.

Bahagi rin ng Agenda si Jam Alindogan, na isang internationally-acclaimed correspondent at co-founder ng aid organization na Sinagtala. Si Jam ang magiging Foreign Affairs Editor ng channel na responsable sa lingguhang special report tungkol sa mga mahahalagang isyu sa iba’t ibang panig ng mundo.

Isa pang beterano na makakasama sa pagbabalita ang walang takot na mamamahayag na si  Nancy Carvajal. Si Nancy  ay makakasama ng ‘Agenda Setters’ dalawang beses sa isang linggo para sa mga special reports.

Ang ‘Agenda’ ay araw-araw matutungha­yan sa primetime newscast mula 6PM hanggang 7PM. Ang headline grabbing program na ito ang magiging pangunahing plataporma ng Bilyonaryo News Channel laban sa propaganda ng mga taong nasa kapangyarihan at panlaban sa mga nagkakalat ng fake news. Ang ‘Agenda’ ang tatalakay sa mga pinakamalalaking isyu kada araw na may malaking epekto sa bansa at sa buhay ng sambayanan. Tatalakayin dito ang bawat anggulo at aspeto sa pamamagitan ng in-depth reporting, no-nonsense, hard-hitting interviews sa mga  principal at major stakeholders.

Ang Bilyonaryo News Channel ay available sa free-to-watch television channel na BEAM TV 31 (sa pamamagitan ng mga digital TV boxes sa Metro Manila, Cebu, Davao, Iloilo, Baguio, Zamboanga, at Naga), gayundin sa pangunahing cable TV provider na Cignal Channel 24.