SASABAK na rin ang Makati Skyscrapers sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) upang itayo ang bandila ng lungsod.
At sa kanilang debut conference ay walang ibang hangad ang koponan kundi ang masungkit ang kampeonato.
“Because we’re representing Makati, we want to be number one and win a championship. We’ll take it one game at a time but our main goal is the championship,” wika ni head coach Cholo Villanueva. “That’s why we joined the MPBL is to win the championship.”
Ayon kay Villanueva, isa’t kalahating buwan lamang silang nakapaghanda para sa liga subalit kumpiyansa siya sa kanilang magiging kampanya lalo pa’t ang koponan ay binubuo ng mga bata at talentadong players na sumailalim sa masusing tryouts at training.
“Our team is young, so ‘yun ang advantage namin, ‘yung quickness, ‘yung youth,” aniya.
Dagdag pa ni Villanueva, ang chemistry ng kanyang tropa ang kanilang magiging sandata laban sa ibang koponan.
Ang Skyscrapers ay pangungunahan nina veterans Mark Isip at Rudy Lingganay, kasama sina team owners Paolo Orbeta at Paolo Pineda, at team manager Martin Arenas.
Comments are closed.