ITATAYA ng Far Eastern University at National University ang kanilang men’s at women’s crowns sa UAAP Season 81 3×3 basketball tournament na magsisimula ngayon sa Ayala Malls Feliz sa Pasig.
Magbabalik sina Wendel Comboy at Kenneth Tuffin upang makipagsanib-puwersa kina Alec Stockton at Clifford Jopia para sa back-to-back title bid ng Tamaraws.
Pangungunahan nina Fiba 3×3 campaigner Jack Danielle Aninam, Ria Nabalan, Monique del Carmen at Congolese Rhena Itesi ang Lady Bulldogs.
Aarangkada ang men’s action sa alas-11:50 ng umaga, habang ang bakbakan sa distaff side ay mas maaga sa alas-11:30 ng umaga.
Ang tournament format ay single-round eliminations, kung saan ang top four teams ay aabante sa knockout semifinals sa Linggo. Ang Finals, na isa ring one-game affair, ay lalaruin din sa parehong araw.
Magbibida para sa University of the Philippines sina Fiba 3×3 veterans Ricci Rivero at Juan Gomez de Liaño, kasama sina Javi Gomez de Liaño at Will Gozum.
Hindi naman magpapahuli ang Ateneo, na pangungunahan nina Thirdy Ravena, Matt Nieto, Matthew Daves at Ivorian Ange Kouame.
Sa kanilang 3×3 debut, sasandal ang University of Santo Tomas kina Renzo Subido, Soulemane Chabi Yo, Dave Ando at Rhenz Abando.
Ang iba pa sa seven-team field ay sina Adamson University’s Jerrick Ahanmisi, Simon Camacho, Jerom Lastimosa at Keith Zaldivar, De La Salle’s Jordan Bartlett, Mark Dyke, Christian Manaytay at Encho Serrano, at NU’s Daniel Chatman, JV Gallego, Michael Malonzo at Karl Penano.
Walang men’s team ang University of the East, ang runner-up noong nakaraang taon, sa two-day competition.
Comments are closed.