HINIRANG na Miss Universe 2019 ang pambato ng South Africa na si Zozibini Tunzi at pinataob nito ang 89 mga kandidata sa pageant na ginanap Linggo ng gabi sa Atlanta, Georgia sa Amerika.
Ang 26-year- anyos na bagong Miss Universe ay tubong Tsolo, South Africa at estudyante ng Public Relations.
Nadagdag sa kompetisyon ngayon sa tatlong Top 3 finalists ang pagkakataon para makumbinsi ang mga hurado na sila ang ‘right woman for the job’.
Sa pahayag ni Tunzi ay sinabi nitong: “I grew up in a world where a woman who looks like me — with my kind of skin and my kind of hair — was never considered to be beautiful. I think it is time that that stops today. I want children to look at me and see my face, and I want them to see their faces reflected in mine.”
Madamdamin namang isinalin ni Miss Universe 2018 Catriona Gray ang korona kay Tunzi.
Ang first runner-up para sa Miss Universe 2019 ay si Miss Puerto Rico Madison Anderson, 24, habang second runner-up si Miss Mexico Sofia Aragon, 25. Nasa Top 5 sina Miss Thailand Paweensuda Drouin at Colombia Gabriela Tafur Nader.
GAZINI ‘PRIDE AND GLORY’ PA RIN NG PH –PALASYO
Pinapurihan ng Malakanyang ang naging performance ng pambato ng Filipinas sa Miss Universe 2019 na si Gazini Ganados.
Ito ay bagama’t nabigo si Ganados na masungkit ang korona sa nabanggit na prestihiyosong beauty pageant.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, nananatiling ‘pride and glory’ ng Filipinas si Ganados dahil sa pagpapakita nito ng katangi-tanging ganda at talento ng mga Filipina.
Binigyang-diin ni Panelo, maituturing na magandang karanasan para sa karera ni Ganados bilang isang beauty queen ang pagsali sa Miss Universe pageant.
Hiling naman ng Malakanyang ang lahat ng ikabubuti ni Ganados sa anumang larangan kanyang papasukin sa hinaharap. (May dagdag na ulat ng DWIZ882)
Comments are closed.